Thursday, July 23, 2009

jeepney

isang sasakyan ng mga pilipino na pang masa.. (jeepney) nkaugalian na ntin sumakay sa jeep tuwing papasok sa trabaho, paaralan o mglalakwatsa. nkakatuwa tlga ang jeep. sinisimulan ko ang araw ko sa pag sakay sa jeep papuntang trabaho..

nung una ntatakot ako sumakay sa jeep kasi baka maling jeep ang masakyan ko (haha) sa araw araw na pag sakay ko sa jeep napansin ko na araw araw ay iba iba ang nkakasabay ko sa jeep merong mahirap kasi walang pang taxi, merong mayaman kasi nsiraan ng kotse,meron ding nag- titipid ksi mahal ang pamasahe, meron din naman istudyante na pinag kakasya ang pamasahe, meron din mukhang holdaper na mangunguha ng pamasahe, (biro lang), merong sasabit kasi puno na ang jeep at di na mkapag hintay sa susunod na aalis. meron din naman (salamat) ung pasaherong hindi kikibo kapag hindi kikibuin ng drayber (pamasahe po pasuyo nlang) akala ko sa bus lang meron nun pati pala sa jeepney. hehe meron din naman sasakay pero mang hihingi lang ng tulong (oo akala ko din sa bus lang yun) pero buti naman walang pumapasok sa jeepney para mag tinda ng (tubig at mani) hehe di kasi kakasya.

ayaw na ayaw kong nahuhuli akong sumakay sa jeep kasi kung ikaw ang huli sayo ma pupunta ang pinaka maliit na espasyo ng upuan kasi namn minsan puno na nga ping pipilitan pa ng mga dispatser (kasya pa isa pa) mas gusto ko ako ung nauuna kasi pwede ka mamili kung san ka uupo sa tabi ba ng drayber or ung malapit sa pinto para madaling mkababa . ayaw na ayaw ko din umuupo sa gitna nag jeep kasi. incase of emergency hindi ka kagad mkakalabas sa loob pag nasa gitna ka ng jeep (haha). ayaw na ayaw ko din ung sumasakay sa likod ng drayber kasi.. pag ikaw nasa pwesto nun para ka na ding konduktor ikaw mag aabot ng pamasahe ng kapwa mo pasahero na nasa dulo at hindi maabot ng drayber kapag pinasa na nito ang pamasahe nya. natutuwa naman ako sa ibang pasahero kasi kapag ng papaabot ng pamasahe. ay ng papasalamat ito. natutulungan mo kasi sila sa ganung bagay lang.. pero minsan ung iba nkakalimut mag pasalamat okie lang un satin kasi iba iba naman tayo ng ugali.

nkakatuwa talga sumakay sa pambansang sasakyan ng mga pilipino ang jeepney. iba iba man ang taong sumasakay dito pero sa isang pasada ng jeepney ng kakasabay sabay ang mga tao. mayaman man o mahirap. may ngipin man o wala. magandang lalaki man o hindi. magandang babae man o hindi, tao ka man o hindi.. lahat tayo pantay pantay dito tuwing sasakay ng jeepney, pero na icep nyu ba kung bakit maganda sumakay sa jeepney? dahil ito sa mga masisipag nating drayber. kasi kung wala sila. hindi din tayo mkakarating sa pupuntahan natin. kaya sa mga masisipag nating mga jeepney driver mabuhay kayo.. sana patuloy nyu pang pag lingkuran mga mga pasahero nyu.


iba iba man tayo ng pakay sa pag sakay sa jeep pero isa lang naicep kong paliwanag. nkaugalian na kasi natin ang pag sakay dito kaya hindi na mawawala ang jeepney sa pilipinas.

1 comment: