Wednesday, July 29, 2009

Boarding House

isang kwarto na ibat ibang tao, ibat ibang ugali, ibat ibang pinang galingan,ibat ibang diskarte sa buhay nag katagpo tagpo sa isang bubungan at yan ang tinatawag ntin pangalawang tahanan. ang "boarding house" kung noong ng aaral pa ako iskwelahan ang pangalawang tahanan ko at syempre sa ilan simbahan/ kapilya /sambahan / local o kahit ano pang tawag nila sa pangalawang tahanan nila. walang problema. sa ngayun ng tatrabaho na ko.. boarding house ang bago kung pangalawang tahanan. syempre di natin pwedeng ibahin ung tahanan tlga natin sabi nga diba "there's no place like home" tama ba ? balik tayo. sa loob ng iisang kwarto ibat ibang tao ang mgkakasama.. maninibago ka sa simula.lalo na kapag ikaw ang huling papasok sa kwartong ito. hindi mo kilala ang isat isa, hindi mo alam ang kanilang mga ugali, hindi mo alam kung totoo ba sila o hindi, hindi mo alam kung sino ang unang una mong kikibuin kasi naninibago ka pa. pero sa kwarto din yun mabubuo ang tunay na pag katao mo. isa lang naman kasi ang patakaran kapag ganun. "ipakita mo kung ano ka at kung sino ka at ipapakita din nila kung ano sila at kung sino sila" dapat walang plastikan!!. sking palagay hindi totoo na kung sino ang nging unang kasundo mo eh sya na yung magiging kaibigan mong matalik. minsan kung sino pa ang hindi kumukibo at hindi nkikipag biruan sayo sya pa ung tao na magiging kasundo mo. my ganun nman talga totoo. saloob din ng kwartong ito mararanasan mo ang kakaibang pakiramdam. katulad ng kalungkutan, kalungkutan dahil malayo tayo sa tunay nating pamilya walang mahihingian ng tulong kung sakaling mag kaproblema sa pera o kung magkasakit o minsan wala tayong mkausap. dito pumapasok ang kalungkutan. dahil iniicep natin na wala tayong kakampi sa loob ng kwarto. at syempre hindi mawawala ang kasiyahan o kagalakan mangyayari ito kapag lahat ng taong nasa loob ng kwartong sinasabi ko ay magiging kasundo mo.. walang plastikan lahat totoo. magkakaroon ka ng kakampi. madadagdagan ang kaibigan mo. kapag nag kasakit ka my titingen sayo.. magiging masaya ang lahat .. hindi din maiiwasan sa loob ng kwarto mg kakatampuhan normal lang un ang hindi normal ay sa bawat paksang pag uusapan. may isang hindi mgpapatalo at parang lahat ng bagay sa mundo ay alam nya.. yan ay hindi normal. lahat kasi tayo pantay pantay magkakaiba iba lang ng nalalaman, dapat din tandaan natin na lahat ng nasa loob ng kwartong ito ay pantay pantay. iba iba man ng mga gawain sa buhay dapat pa din mg kasundo sundo. halimbawa tulungan sa gawaing bahay my mag lilinis ng paligid my nag aayus ng mga gamit toka toka dapat tulungan.at dapat walang mag hahariharian sa loob ng kwartong ito dahil pareparehas lang kayo ng binabayaran. kahit ikaw ang pinakahuling pumasok sa kwartong ito patas pa din.. minsan madadagdagan ang kalungkutan sa loob kapag ang isa o dalawa ay mag papaalam na. kung baga sa tunay na buhay mawawala na. nkakapanibago kasi ung taong nkasanayan mo ng mkita tuwing umaga o bago matulog o sa araw araw eh hindi mo na makikita kung ano ang kanyang ginagawa. kahit pa sbihin nating mag kikita pa din naman kayo sa ibang araw iba pa din ung araw araw mo syang nkikita baduy man sabihin pero masasabi mo din.. "mamimiss ka namin tol" -itutuloy.

No comments:

Post a Comment