Wednesday, July 29, 2009
Boarding House
isang kwarto na ibat ibang tao, ibat ibang ugali, ibat ibang pinang galingan,ibat ibang diskarte sa buhay nag katagpo tagpo sa isang bubungan at yan ang tinatawag ntin pangalawang tahanan. ang "boarding house" kung noong ng aaral pa ako iskwelahan ang pangalawang tahanan ko at syempre sa ilan simbahan/ kapilya /sambahan / local o kahit ano pang tawag nila sa pangalawang tahanan nila. walang problema. sa ngayun ng tatrabaho na ko.. boarding house ang bago kung pangalawang tahanan. syempre di natin pwedeng ibahin ung tahanan tlga natin sabi nga diba "there's no place like home" tama ba ? balik tayo. sa loob ng iisang kwarto ibat ibang tao ang mgkakasama.. maninibago ka sa simula.lalo na kapag ikaw ang huling papasok sa kwartong ito. hindi mo kilala ang isat isa, hindi mo alam ang kanilang mga ugali, hindi mo alam kung totoo ba sila o hindi, hindi mo alam kung sino ang unang una mong kikibuin kasi naninibago ka pa. pero sa kwarto din yun mabubuo ang tunay na pag katao mo. isa lang naman kasi ang patakaran kapag ganun. "ipakita mo kung ano ka at kung sino ka at ipapakita din nila kung ano sila at kung sino sila" dapat walang plastikan!!. sking palagay hindi totoo na kung sino ang nging unang kasundo mo eh sya na yung magiging kaibigan mong matalik. minsan kung sino pa ang hindi kumukibo at hindi nkikipag biruan sayo sya pa ung tao na magiging kasundo mo. my ganun nman talga totoo. saloob din ng kwartong ito mararanasan mo ang kakaibang pakiramdam. katulad ng kalungkutan, kalungkutan dahil malayo tayo sa tunay nating pamilya walang mahihingian ng tulong kung sakaling mag kaproblema sa pera o kung magkasakit o minsan wala tayong mkausap. dito pumapasok ang kalungkutan. dahil iniicep natin na wala tayong kakampi sa loob ng kwarto. at syempre hindi mawawala ang kasiyahan o kagalakan mangyayari ito kapag lahat ng taong nasa loob ng kwartong sinasabi ko ay magiging kasundo mo.. walang plastikan lahat totoo. magkakaroon ka ng kakampi. madadagdagan ang kaibigan mo. kapag nag kasakit ka my titingen sayo.. magiging masaya ang lahat .. hindi din maiiwasan sa loob ng kwarto mg kakatampuhan normal lang un ang hindi normal ay sa bawat paksang pag uusapan. may isang hindi mgpapatalo at parang lahat ng bagay sa mundo ay alam nya.. yan ay hindi normal. lahat kasi tayo pantay pantay magkakaiba iba lang ng nalalaman, dapat din tandaan natin na lahat ng nasa loob ng kwartong ito ay pantay pantay. iba iba man ng mga gawain sa buhay dapat pa din mg kasundo sundo. halimbawa tulungan sa gawaing bahay my mag lilinis ng paligid my nag aayus ng mga gamit toka toka dapat tulungan.at dapat walang mag hahariharian sa loob ng kwartong ito dahil pareparehas lang kayo ng binabayaran. kahit ikaw ang pinakahuling pumasok sa kwartong ito patas pa din.. minsan madadagdagan ang kalungkutan sa loob kapag ang isa o dalawa ay mag papaalam na. kung baga sa tunay na buhay mawawala na. nkakapanibago kasi ung taong nkasanayan mo ng mkita tuwing umaga o bago matulog o sa araw araw eh hindi mo na makikita kung ano ang kanyang ginagawa. kahit pa sbihin nating mag kikita pa din naman kayo sa ibang araw iba pa din ung araw araw mo syang nkikita baduy man sabihin pero masasabi mo din.. "mamimiss ka namin tol" -itutuloy.
Thursday, July 23, 2009
jeepney
isang sasakyan ng mga pilipino na pang masa.. (jeepney) nkaugalian na ntin sumakay sa jeep tuwing papasok sa trabaho, paaralan o mglalakwatsa. nkakatuwa tlga ang jeep. sinisimulan ko ang araw ko sa pag sakay sa jeep papuntang trabaho..
nung una ntatakot ako sumakay sa jeep kasi baka maling jeep ang masakyan ko (haha) sa araw araw na pag sakay ko sa jeep napansin ko na araw araw ay iba iba ang nkakasabay ko sa jeep merong mahirap kasi walang pang taxi, merong mayaman kasi nsiraan ng kotse,meron ding nag- titipid ksi mahal ang pamasahe, meron din naman istudyante na pinag kakasya ang pamasahe, meron din mukhang holdaper na mangunguha ng pamasahe, (biro lang), merong sasabit kasi puno na ang jeep at di na mkapag hintay sa susunod na aalis. meron din naman (salamat) ung pasaherong hindi kikibo kapag hindi kikibuin ng drayber (pamasahe po pasuyo nlang) akala ko sa bus lang meron nun pati pala sa jeepney. hehe meron din naman sasakay pero mang hihingi lang ng tulong (oo akala ko din sa bus lang yun) pero buti naman walang pumapasok sa jeepney para mag tinda ng (tubig at mani) hehe di kasi kakasya.
ayaw na ayaw kong nahuhuli akong sumakay sa jeep kasi kung ikaw ang huli sayo ma pupunta ang pinaka maliit na espasyo ng upuan kasi namn minsan puno na nga ping pipilitan pa ng mga dispatser (kasya pa isa pa) mas gusto ko ako ung nauuna kasi pwede ka mamili kung san ka uupo sa tabi ba ng drayber or ung malapit sa pinto para madaling mkababa . ayaw na ayaw ko din umuupo sa gitna nag jeep kasi. incase of emergency hindi ka kagad mkakalabas sa loob pag nasa gitna ka ng jeep (haha). ayaw na ayaw ko din ung sumasakay sa likod ng drayber kasi.. pag ikaw nasa pwesto nun para ka na ding konduktor ikaw mag aabot ng pamasahe ng kapwa mo pasahero na nasa dulo at hindi maabot ng drayber kapag pinasa na nito ang pamasahe nya. natutuwa naman ako sa ibang pasahero kasi kapag ng papaabot ng pamasahe. ay ng papasalamat ito. natutulungan mo kasi sila sa ganung bagay lang.. pero minsan ung iba nkakalimut mag pasalamat okie lang un satin kasi iba iba naman tayo ng ugali.
nkakatuwa talga sumakay sa pambansang sasakyan ng mga pilipino ang jeepney. iba iba man ang taong sumasakay dito pero sa isang pasada ng jeepney ng kakasabay sabay ang mga tao. mayaman man o mahirap. may ngipin man o wala. magandang lalaki man o hindi. magandang babae man o hindi, tao ka man o hindi.. lahat tayo pantay pantay dito tuwing sasakay ng jeepney, pero na icep nyu ba kung bakit maganda sumakay sa jeepney? dahil ito sa mga masisipag nating drayber. kasi kung wala sila. hindi din tayo mkakarating sa pupuntahan natin. kaya sa mga masisipag nating mga jeepney driver mabuhay kayo.. sana patuloy nyu pang pag lingkuran mga mga pasahero nyu.
iba iba man tayo ng pakay sa pag sakay sa jeep pero isa lang naicep kong paliwanag. nkaugalian na kasi natin ang pag sakay dito kaya hindi na mawawala ang jeepney sa pilipinas.

Subscribe to:
Comments (Atom)